image


Wednesday, February 21, 2007

ako... oo ako...

minsan lang iopen ang topic na ito... at si pam ang nagtanong sakin. hindi ko alam kung paano ko sisimulan. basta't ang alam ko? EMO post ito at LOVE ang topic.. oh para sa mga biatches, LUuUuURRrVVe... oh para sa mga bakla, LOVE CHUVA... sa mga romantikong Pilipino... PAG-IBIG...

ako? sa ngayon. hindi ko alam ang aking estado... HEART CHECK? alive and beating...

oo... maaga para sabihing in love ako.
masiyadong maaga. dahil katulad ng sinasabi nila at naging motto ko na din...

huwag magmadali...

kusang babalik sa yo ang SA'YO... punyeta... at dahil hindi naman talaga ko marunong maghintay... hinahayaan ko na lang na dalhin ako ng panahon.. GO WITH THE FLOW... masaya ako ngayon... OO... maniwala man kayo at sa tingin niyo na emo-emohan ako... MASAYA AKO... at yun ang importante...

kung maari lang sanang piliin kung sino ang mamahalin... haay... alam ko na kung sino... pero hindi napipilit... siguro.. sa tamang panahon.. oh hindi lang talaga siya ang para sakin... GUSTO ko siya... pero IBA ANG GUSTO sa MAHAL...

at ako?? nasaan ang MAHAL ko???

wala... wala akong mahal... gusto lang meron... pero MAHAL wala. masiyadong maaga...
at alam ko maghihintay siya.. kung nasan man siya.. ito ang mensahe ko...

dear prince charming ni POTPOT,

kung mababasa mo ito'y malamang nakita na kita. binabalaan lang kita na wag
mo kong sasaktan... dahil kung nagkataon, patay ka sakin. hahaha.. headbutt
ang
abot mo. masaya ko dahil nandiyan ka. pakyu. puro foul words ang
maririnig mo
sakin, magaspang ang ugali ko, malayo ako sa pantasya mo ng
dalagang pilipina.
maraming bisyo at adik (HINDI SA CHONGKEE..) hindi ako
magbabago para sa'yo.
ganito ko kaya take me as i am... hahaha...

wag na wag mo kong dadalhan ng BULAKLAK ulit kasi hindi ko
yun makakain... CHOCOLATE nalang sana. CHOCNUT lang masaya
na...

gago ka kapag sinaktan mo ko... hahaha...

super love lots,

potpot_(DATE NG MONTHSARI)

*p.s.

kung ikaw na nga ang IKAW na... sisiguraduhin kong papatak na sa 24 ang
numerong ito... lintik... ay oo nga pala.. mahal kita.. pakyu. hahaha...
bastard!

Labels: , ,


6:44 PM

Monday, February 19, 2007


wow.. nakakatouch.. hindi ko alam kung destiny na mamiss lang ako ni achie sasha... hihihi.. pero nakuha ko yan sa blog niya. at natuwa naman ako. at natouch na din kasi minsan lang may makamiss sa kakulitan ni potpot... hihihi...

dear diary,

ngayong araw ay mas naging close kami ng isang classmate na itago natin sa
pangalang MR. EX CRUSH... hihihi... ewan ko ba. pero ako ay kinikilig dahil sa
isang araw naging instant best friend kami. wow. nakakatuwa. gumana na naman ang
aking potpot charm. hahaha.

pero ako ay napaiyak niya. sa isang di malamang dahilan. nabatid at
nagising ako sa katotohanang mahal ko pa din siya. at kailangan isampal sakin
yun.

pusheet... ako ay nagiging emo-emohan. kailangan ko nanaman isuot ang aking
chuck at magpost na pang emo... hahaha...

**p.s.**

ano ang ibig sabihin ng title ko? ala naman. dahil EMO ang theme ko? LOVE CONQUERS ALL...

Labels:


8:05 PM

Saturday, February 17, 2007

so back from my 100 day-hiatus ... hahaha... ngayon lang ulit ako nag blog mula ng ... hmmm... basta. maraming pangyayari na sobrang nagpatigil at nagpabago ng buhay ni potpot... teehihihi... pero... whatcha say?? nandito ulit... rumarampa na naman... (bagong bahay nga lang) saya... kaunting edit pa.

at ano ang tanong ng blogger world?

ano nga ba ang nangyari ng nawala si potpot ng halos 3 buwan?
* ako ay 50% single. weird. pero oo... totoo. sa ngayon ako ay taken na hindi. naghiwalay kame ng aking bufren noon. at sumama ito sa kanyang kabit.
* mayroon na akong sun sim card dahil mahal na ang rates ng globe
* nakapunta na ako sa isang bar for the first time at may gwapong waiter akong nakilala
* naadik ako sa typecast
* nagtangka akong maglaro ng RAN pero ayaw ata nito sakin
* nawalan ng mga kaaway...
* nagkaroon ng maraming bagong kaibigan
* nagtangkang pumunta sa Japan
* nakapasa ng UP at hindi na nagtangkang pumunta sa Japan
* namiss ang blogging world.

Labels:


8:09 PM