ako... oo ako...
minsan lang iopen ang topic na ito... at si pam ang nagtanong sakin. hindi ko alam kung paano ko sisimulan. basta't ang alam ko?
EMO post ito at
LOVE ang topic.. oh para sa mga biatches,
LUuUuURRrVVe... oh para sa mga bakla,
LOVE CHUVA... sa mga romantikong Pilipino...
PAG-IBIG...
ako? sa ngayon. hindi ko alam ang aking estado...
HEART CHECK?
alive and beating...oo... maaga para sabihing in love ako.
masiyadong maaga. dahil katulad ng sinasabi nila at naging motto ko na din...
huwag magmadali...
kusang babalik sa yo ang SA'YO... punyeta... at dahil hindi naman talaga ko marunong maghintay... hinahayaan ko na lang na dalhin ako ng panahon.. GO WITH THE FLOW... masaya ako ngayon... OO... maniwala man kayo at sa tingin niyo na emo-emohan ako... MASAYA AKO... at yun ang importante...
kung maari lang sanang piliin kung sino ang mamahalin... haay... alam ko na kung sino... pero hindi napipilit... siguro.. sa tamang panahon.. oh hindi lang talaga siya ang para sakin... GUSTO ko siya... pero IBA ANG GUSTO sa MAHAL...
at ako?? nasaan ang
MAHAL ko???
wala... wala akong mahal... gusto lang meron... pero MAHAL wala. masiyadong maaga...
at alam ko maghihintay siya.. kung nasan man siya.. ito ang mensahe ko...
dear prince charming ni POTPOT,
kung mababasa mo ito'y malamang nakita na kita. binabalaan lang kita na wag
mo kong sasaktan... dahil kung nagkataon, patay ka sakin. hahaha.. headbutt
ang
abot mo. masaya ko dahil nandiyan ka. pakyu. puro foul words ang
maririnig mo
sakin, magaspang ang ugali ko, malayo ako sa pantasya mo ng
dalagang pilipina.
maraming bisyo at adik (HINDI SA CHONGKEE..) hindi ako
magbabago para sa'yo.
ganito ko kaya take me as i am... hahaha...
wag na wag mo kong dadalhan ng BULAKLAK ulit kasi hindi ko
yun makakain... CHOCOLATE nalang sana. CHOCNUT lang masaya
na...
gago ka kapag sinaktan mo ko... hahaha...
super love lots,
potpot_(DATE NG MONTHSARI)
*p.s.
kung ikaw na nga ang IKAW na... sisiguraduhin kong papatak na sa 24 ang
numerong ito... lintik... ay oo nga pala.. mahal kita.. pakyu. hahaha...
bastard!
Labels: emo, love, me
6:44 PM