image


Monday, March 26, 2007

okay... ito ang isyu. masakit ang paa ko.

hindi ko alam kung big deal para sa ibang tao. sa bagay, hindi naman maapektuhan ang ekonomiya ng bansa kung sabihin kong MASAKIT ang paa ko. oo. masakit.

hindi siguro talaga ako bagay maging babae.

DOLL SHOES, AT SAPATOS NA MAY TAKONG
uh-huh. hindi naman sa ayoko sa kanila. halos lahat ng aking mga sapatos ay ganito. ngunit kaninang umaga, dahil sa kamangmangan at kagustuhang magsuot ng bagong sapatos, nasuot ko ang isang bagong doll shoe. bagong bili o bagong kita ko lamang sa aking cabinet. nawaglit na sa utak ko ang dahilan kung bakit hindi ko ito sinusuot...
sobrang luwag. oo... sobrang luwag. siguro 10 size larger siya. hahaha. siyet. at ng suotin ko 'to kelangan ko ng madaming kulay brown na FOOT PAD. (yung inilalagay sa sapatos para sumikip. iyon nga ba ang pangalan nun?)
kaya lang imbis na mapabuti, mas napasama pa ang paa ko.
ayon. ang ending ng araw ko?

NABAKBAK ANG AKING BALAT SA PAA... (at sobrang hapdi nito ... *insert foul words*)
P.S.
tatanggapin ko na ang kahit anong donasyon niyong sapatos. BASTA ito'y chuck taylor na kulor bebe feenk.. ^^

Labels:


10:22 PM

Saturday, March 24, 2007

okay. so now i'm back. the hassle is almost over.

i'm finally graduating from highschool!

yey! that's the best part!!! graduation is on the 31st. well, i'm quite excited. kasi naman. 2nd time ko lang magsusuot ng toga. hahaha. huli akong nagsuot nun nung graduation ko ng kinder1. hahaha. di ko nga alam kung bakit may suot akong toga nun. ka ek-ekan lang ata nung school na pinasukan ko nun...

kaya lang, napansin ko din na ngayon lang ulit ako nakapag blog. mas inasikaso ko ang mga mas importanteng bagay katulad ng paglalaro ng VBA, pagtetext at pag-oopen ng friendster account ko. hihihi...

gagagraduate na ako. hmmm.. ano kayang magandang gawin immediately after graduation? teka't mag-iisip ako. hahaha.
  1. magpapakulay ng buhok. gusto ko yung magandang kulay. bagay kaya sakin ang SHOCKING PINK? o NEON GREEN nalang kaya?
  2. magcomputer buong maghapon. (ginagawa ko naman ito kahit hindi ako grumaduate.)
  3. umalis ng school at sabihing GOOD RIDDANCE... (hihihi... hindi pala ang school kung hindi ang mga mean girls na walang ginawa kung hindi mag feeling mayaman, good riddance. )
  4. mag videoke sa harap ng maraming tao.
  5. magsound trip buong maghapon.
  6. magswimming sa clubhouse pool at maghanap ng super duper cute papables!
  7. mag summer job. sa jolibee o kaya mcdo. (may tumanggap kaya sakin?)
  8. magpadala ng isang mini (o little?) essay sa isang publisher tapos, ipapublish ito at kikita ako ng milyones.

hihihi... naeexcite na ko. hindi na ko makakatulog niyan. hahaha.. makakapag blog nanaman ako buong maghapon. dito ko na ibubuhos ang energy ko imbis na sa walang kwentang VBA game na ang boring... hahaha..

Labels:


4:15 PM