image


Sunday, April 29, 2007

so wala akong ginawang matino ngayong linggo. bored sa bahay. wala akong ginawa kung hindi matulog. o kaya mag internet. ngayon ko lang narealize ang aking purpose driven life... ang maging wasted... ngayong summer lang naman.

nang nanood ako ng tv, hapon na... as usual naka set sa ABS-CBN ang aming tv... nanonood lahat ng tao sa bahay... 4:00pm. mamaya THE BUZZ na...

"Bullsh*t"... naisip ko.

isa ako sa mga HATERS ni kris aquino... bwahahaha. hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa kanya. hindi ako insecure. hindi ko lang siya gusto period. para sakin, basura kung pag-uusapan na "Muntik na siyang mamatay" dahil critical ang condition niya. dahil allergic siya sa gamot at kung ano-ano pang kabullsh*tan.

madaming pwedeng pag-usapan. mas madaming MAS importanteng issues na dapat pagtuunan. katulad ng chismis na ampon si gladys reyes at mag-on na daw si derek at angelica... sh*t. hindi lang yung tungkol sa kanya at sa baby niya. umiikot na ba mundo ng showbiz sa kanya?


nakakainis tuloy ...

"Sssshhhh!! kuhanin mo yung popcorn, THE BUZZ na... "

Labels: ,


6:10 PM

Saturday, April 28, 2007

BABALA: wag sisiryosohin... ang WRITER NITO AY NASA IMPLUWENSIYA NG CHONGKEE... kaya't may halong kayabangan ang post na ito.
alam niyo ba ang storya/fairytale ng THE UGLY DUCKLING? yung bang bebe (duck) na ina outcast tapos in the end naging isang beautiful swan? (or so i think ganun ang storya)

i have one confession to make...

i WAS that UGLY DUCKLING
... (WAS kasi past tense... )

nakakita ako ng lumang photo album sa bahay, ng binuklat ko, nakita ko kagad ang aking mga not-so-cute elementary pictures. hahaha... i mean, hindi ako katulad ng ibang babae na maituturing na child prodigy ang kagandahan... sh*t sila. hahaha... kaya pala galit ako sa mga magagandang babae nun. hindi dahil sa tomboy ako... (ako??! tomboy?! hindi ko maimagine...) kung hindi dahil.. uhmm.. hindi ako kagandahan nuon...

gusto ko sanang magpost ng not-so-cute elementary pictures ko eh. kaya lang naisip ko baka mag freak out yung mga nagbabasa. hahaha... kasi ba naman...

NOON
:
  1. tinutukso pa ako ng aking mga boy classmates. enough para masira ang aking self-morale at taguriang boy hater...
  2. walang nagkakacras sakin. (wawa naman ako nung bata ako... hahaha.. di kasi ako cute)
  3. nagsuot ako ng braces mula grade4 hanggang grade6
  4. medyo "matalino" ako kaya inaassume ng mga tanga na bahay-school lang ang routine ko.
NGAYON:
  1. lumaki ng ulo ko sa kakasabi ng mga kamag-anak ko na ang laki daw ng iginanda ko... (bias ba sila dahil kamag-anak ko sila?)
  2. madaming g*go sa friendster na nanghihingi ng aking numero. siyempre nakakaflatter din pero nakakabad trip kapag pangit at adik ang nanghihingi ng aking number. (halata bang nagyayabang ulit ako)
  3. sinabe ng tita ko (na winnie the pooh ang tawag sakin dahil "mataba" daw ako) na ako daw ang perfect combination ng beauty and brains... (inuuto niya lang ako para ipag type ko siya ng kanyang report)
  4. 2 years na kong hindi nakabrace... kaya wala na ang "dyahe" moments...
pero seriously, at hindi rin dahil sa oozing with self confidence din ako katulad ni MR. AFFOINTMENT, kahit medyo traumatic ang aking elementary days dahil sa mga adik na nangbubully sakin, i'm glad i turned out this way...

not an ugly duckling anymore...

** para sa mga taong nagsasabing ako ay "chubby" o "mataba" hindi po totoo yun dahil nung nakita nila ako, nasa impluwensiya sila ng chongkee.
** gusto niyo ba akong katext? TEXT NA MGA FANS! just type:
potpot message NASL and send t0 222 [for GLOBE SUBSCRIBERS ONLY]
example:
potpot ang ganda ganda mo. pwede ka bang bigyan ng load para maitext mo ko lage junjun,69,m,cotabato
and send to 222...

Labels: ,


7:51 AM

Wednesday, April 25, 2007

bakit may mga taong akala nila ay gwapo-slash-maganda sila. up to the point na dahil sa oozing self-confidence nila, nakakalimutan nilang, IBA ang perception ng tao sa kanila...

still lost?

keep reading...

kanina, luluwas sana ako ng makati. may dentist appointment ako ng 2pm. ayos maaga pa naman. 12pm pa lang. sumakay ako ng bus at dahil medyo puno na, no choice ako kung hindi umupo sa tabi ng lalaking mukhang mid-20's ang edad pero mukang 69 ang itsura. at best of all, mukha siyang adeek. okay naman. medyo creepy nga lang ng...
ADEEK: miss, naiinitan ka ba? pare, tapat na natin dito sa miss yung aircon. mukhang naiinitan na eh.
AKO: ay.. naku hindi. ayos lang..
(after a few minutes)
ADEEK: so miss, madalas ka ba sa maynila? san ka ba nakatira? anong year mo na ba? hmmm... ano bang name mo? eh last name? anong religion mo? nagbabasa ka ba ng bible? may boyfriend ka na ba?
AKO: ha? ang dame mo namang tanong. nakakahiya ata sakin. well, may dentist appointment lang ako sa makati. nakatira? diyan lang. fresh grad ako ng highschool. uhmmm.. name ko?? (*nag-isip saglit*) ria... dela cruz (*magaling akong mag-imbento) roman catholic ako. di ako nagbabasa ng bible dahil wala akong time. at meron akong boyfriend.
ADEEK: ah.. okay. so madalas ka siguro sa makati? every week ba yung AFFOINTMENT mo sa dentist?
AKO: *smirks* (no comment habang pasimpleng kinukuha ang cellphone para tawagan ang 911 at ang aking mga friends..)
ADEEK: miss, pwede bang makuha yung number mo?
AKO: ah okay... eto number ko, 0916-123-MCDO... (tanga siya pag tinext niya yan..adeek) excuse me ha... nakakairita na eh. lilipat nalang ako ng upuan.


ewan ko kung nasobrahan siya ng dosage ng chongkee... pero nakakatuwa dahil may mga adik pa din pala dito sa mundo na hindi banned sa public places... nightmare yun... naawa lang ako sa sarili ko dahil kung alam ko lang na bobombahin niya ko ng ganung karaming tanong,

lumipat nalang sana ako ng upuan kanina pa...
nakalimutan ko ang pangalan niya eh... kaya icocode ko nalang siyang "MR. AFFOINTMENT"

Labels:


9:43 PM

Tuesday, April 24, 2007

i guess it's in my nature to get jealous. to be a wee-bit jealous. call me insecure. wtf i don't care.
isa din ako sa taong banas kapag love life ang pinag-uusapan. hindi ko alam kung bakit... pero magpapaka selfish ako.

pero insecure ako.

i guess dahil sa tension na i keep losing them before. kaya i tend to get too close, masiyadong nakakasakal. pero now, i've learned to keep distance. to keep MY distance in order for this to work.

but then again, jealousy is killing me.

yes it does. and f*ck me for feeling so lousy... but guess it...
i hate her for being more beautiful than i am (hate to admit it. i do have the looks but she's prettier. hahaha.)
i hate her because i can feel that he still loves her and i can't do anything against that.
i hate her because i'm just being me.
i hate her because i feel that i can never be loved by him the way he loved her.
and damn it. jealousy's killing me.
it's in the blood.
i blew it THRICE. i don't want to blew it again. T_T

* sabi nila kailangan mong mamili ng taong pagbubuhusan mo ng galit kasi ocne you've done that, you'll see that person as your EQUAL... ^^ naglabas lang ako ng sama ng loob. pero hindi ako galit...

g*go! obvious ba?!

P.S.
okay na. hindi na ko galit. narealize ko nang masiyado akong maganda para magalit sa kanya.. hahaha. pati hindi niya naman ako inaano. why worry??? hehehe...

at kung byron (a.k.a. satoshi) adik ka... tandaan mo yan... magpapalit ako ng blog address para di mo ko ma istalkan... hahaha... adik ka!

Labels:


9:40 PM

Monday, April 23, 2007

kanina... nanonood ako ng fushigi yugi... 8 oras ako nakababad sa harap ng TV... hahaha.. tumatawa, nag-iismile, naiinis, umiiyak... hahaha... sabihin na nating, kasabay kong magreact yung bida... hahaha.. ganun ako kababaw.

kaya nga nagtatalo kami ng ate ko eh...
ATE: fushigi yugi yun! with a single "U"... anu ka ba ?! parang di ka nanonood ng anime!
POTPOT: hah! hindi! fushigi yuUgi yun! with a double "U" ... duh?! fan kaya ako niyan ever since like forever?!
ATE: no! hahaha.. mas alam ko ang tungkol dito dahil 22 years na ko dito sa mundo! kaya mas marami akong alam kaysa sa'yo
POTPOT: yeah. whatever... hahaha

hihihi.. at dun nga natapos ang aming munting diskusyon tungkol sa totoong spelling ng fushigi yugi... okay after further research na pareho kaming mali

dahil ang spelling nito ayon kay mr. wikipedia ay FUSHIGI YU(with overline)GI... yung U na may overline? hahaha..

at least mali pa din siya...

after 8 hours, di pa din ito tapos... to be continued bukas...

Labels: ,


5:56 PM

Saturday, April 21, 2007

okay. ngayon ay april 21, 2007.

at ito ay ispesyal na araw para sakin (*note to self* SA AMIN) hahaha...

para sa mga FRIENDSTER friends ko, maalalang ang pangalan ko dun na ginagamit ay hindi POTPOT (ang aking pseudonym), hindi din naman ROSEANNE (ang aking true nickname), MIYUKI (ang aking japanese name), HOY (ang tawag ng mga strangers sakin), or MISS (ang tawag ng mga gentleman sakin *blush*)... wala diyan sa mga nabanggit ang aking FRIENDSTER name dahil PSYCHE (ang aking greek mythology name) ang gamit ko...

PSYCHE...

bakit nga ba?

romantic (slash corny) lang talaga ako... pero try niyong basahin ang kwento ng "one of the greatest love story ever written" ... kumuha ng libro ng greek mythology upang malaman niyo oh kaya kung tinatamad ka , pindutin mo ito... hihihi...

ayan alam mo na... kung nagtataka kayo kung sino ang aking partner... hulaan niyo din. maaring pamilyar siya, maaring hindi... DAHIL:

1. blogger siya. OO as in BLOGGER. una, sa blogger talaga siya nagboblog, tapos lumipat ata ng wordpress ngayon, bumalik siya bilang blogger...
2. kung titignan at pagmamasdan ang aking friendster profile (babayaran kaya ako ng friendster sa libreng ad?) isa siya sa featured friends
3. nagsisimula sa letter B ang kanyang name.
4. nagfeefeeling akong siya ang soulmate ko... (hahaha. ewan ko kung bakit. siguro corni na talaga ako)
5. ... gets mo na yan dahil hindi ka tanga.

Labels: ,


8:49 PM

Friday, April 20, 2007

ako ay guilty.

sa pagiging TAMAD...

hihihi... kay tagal ko na simula nung last akong nagpost ng may kwenta. yung may kabuluhan. kaya ngayon, nung nakita ko ang mga blogs nang aking friends... na sila joyjoy... at pam.. hihihi.. (special mention pa. nababasa niyo kaya ito?) hahaha... naiinggit ako at nanumpang magiging active ulit ako sa blogging.

sh*t.

nawalan lang naman ako ng interes panandalian. nang isang araw narealize ko na hindi nalang ako pwedeng mabuhay ng kain-tulog-friendster-RAN routine... hindi pwede. kelangan maisingit ang BLOGGING...

nag attempt din akong lumipat sa wordpress pero wala. hindi ito magwowork. kasi hindi naman ako ganun ka"creative" at ka"sipag"... ayoko nanamang mag start ulit...

so officially... i'm back.. (nasabi ko na ata 'to ng 10th time.)

LINK EXCHANGES are WELCOME...
* lilink ko na din yung mga old blogger friends ko ... naeexcite na ko.. ^^

Labels:


7:40 PM

Tuesday, April 17, 2007

fcuk whatever insatiable means... so i now know.. it means QUENCHLESS.. fcuk. why don't they just use simpler words...

hahaha...

ito ay isang mensahe mula sa isang babaeng nagngangalang K*te...

enter her unrealistic word blah blah... hindi ko alam kung bakit pero nabubwisit ako sa kung anong meron ako... ako ay galing sa isang RICH family. araw araw na ginawa ng Diyos, tuyo at asin ang aming ulam, marami akong kaibigang puro backstabbers, isang prominent family (ano nga ba ibig sabihin ng prominent?), isang LURVING bufren na lagi akong inaaway at minamanyak kahit sa publikong lugar (1 word=PDA), maganda ako (kasing ganda marahil ni bakekang), at sigurado akong hindi ako tanga... (asa) meron ako ng lahat ng gusto ko at sa lagay na ito ay hindi ako nagmamayabang. hindi pa ito sapat.. gusto ko ng lahat ng lalaki sa mundo ay nahuhumaling sakin kaya't ginagago ko pati ang aking ex bf...


at ako?? si potpot... ay wala nalang nagawa kung hindi ngumiti...

suggestion: try mo mag madre para hindi ka na INSATIABLE... hahaha...

Labels:


12:37 PM

Friday, April 13, 2007

wala akong magawa...

period.

hindi ko alam kung bakit kinakain ng boredom ang utak ko... hmmm.. kaya naisip kong tirahin ang friendster at myspace na din. (note: maghuhugas kamay na muna ako sa aking mga sasabihin)

okay.

fan ako pareho ng social sites na ito pero hindi ko alam kung bakit halos magkaparehas na sila ngayon.

1. nakakainis dahil ginagaya. (o ginaya na) ng friendster ang comments section ng myspace. alam ko ang myspace, imbis na testimonials, COMMENTS ang ginagamit nila. hanggang sa gumaya ang friendster at meron nang TESTIMONIALS AT COMMENTS tapos ngayon, pagsasamahin nila at gagawing COMMENTS nalang.

2. ang PHOTO COMMENTS na alam ko as of last summer, posible lamang sa myspace... ngayon nasa friendster na din.

3. ang myspace at friendster BLOGS na di ko alam kung kanino ng galing.

4. Buti wala pang I'M ONLINE icon ang friendster.

5. nakalimutan ko na yung isusulat ko.

6. tinatamad na ata ko...

=)

* hahaha.. nagbalik na si CUPID... yey!

Labels:


11:47 AM

Thursday, April 12, 2007

isang nasaksihang potpot conversation ng nasa jeep... -- april 12, 2007

SCENE: may mag nobyo na nakaupo sa front seat ng jeep, katabi nila ay ang isang matanda (at conservative) na matanda. ang magnobyo ay nakikita kong naglalampungan... (OO ... LAMPUNGAN TALAGA) samantalang si potpot ay nakaupo sa dulo ng sasakyan, pasakay pauwi sa aming bahay.


GIRL NOBYA: ei bakit mo tinetext 'to hun? diba sabe ko sa'yo you erase na this number! hmf!

BOY NOBYO: sorry na hun ko! *sabay akbay kay girl

GIRL NOBYA: sige itext mo lang yan hun! bahala ka!

BOY NOBYO: hun naman wag na tayo mag-away

(sa puntong ito, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa dalawang models ng PDA *public display of affection)

MAMANG DRIVER: hija, ilang taon ka na ba?

GIRL NOBYA: 16 po.

MAMANG DRIVER: ang bata bata niyo pa grabe kayo maglampungan diyan. hindi ba kayo nahihiya sa mga pasahero? kanina pa kayo naglalampungan. ikaw naman totoy hindi mo na ginalang yung girlfriend mo. Binabastos mo yan eh. Tignan niyo nga ang daming nakatingin sa inyo!

BOY NOBYO: ...

GIRL NOBYA: diyan lang ho sa tabi..



at ayon nga... ako naman. manghang-mangha sa pagiging matapang at tactless ng matandang driver na ito... sa sobrang tuwa ay muntik na akong pumalakpak... buti na lamang at napigilan ko ang aking sarili...

kaya nga eh... hindi sa naiinggit ako dahil wala akong nobyo... hahaha.. DIE PDA... DIE!

Labels: ,


1:56 PM

Sunday, April 8, 2007

sounds ironic... sh*t

ito ang kwento ng isang binibining itago natin sa pangalang POTPOT... ito ang kanyang kwento na nangyari lamang siguro last week. at bingo... may nanggago nanaman sa gago... isasalaysay ko na ha... (ang lalim)

may "mahal" si potpot.. (quote and unquote kasi hindi naman talaga sigurado kung "mahal" ba talaga) ngunit, may nobya ang lalaki. kaya't nang malaman ni potpot na sila'y nagbreak na, hindi na siya magpapakaplastik para sabihing hindi ako natuwa... hahaha...

at ayon... ang aking huling balita as of april3 ayos lang kame... (nung lalaki ha) i sorta kinda like umasa... kasi naman, the boy is like giving hints din... sh*t talaga... hanggang sa the next thing i knew, SILA ulit... hahaha

which leaves me to??? wala... hahaha.. pinaasa ng nagpapaasa... actually, wala ako masiyadong maramdaman... dahil nasanay na ko ng niloloko... nung December pa naman siya ganun eh. he tried to deny the girl pero sila talaga... gaguhan ba?


** kailangan ng CUPID ngayon...this time for real, CUPID i need you... sino ba kasing nakawala ng cellphone mo?!

Labels:


8:57 AM

Sunday, April 1, 2007

okay... ngayon, mukhang on blog leave ako for 1 week... hmm.. trip to bicol bukas... bonding ito kasama ang aking ina... hahaha.. kaming 2 lang ang sasama kasi habang ang aking ate ay nagtatapos pa ng thesis niya... hihihi. buti nga.. *tamad kasi...

at ngayon, medyo binubuhay ko ang aking naghihinalong blog... hindi ko kasi alam kung anong maisusulat kaya magsasabe nanaman ako ng mga walang kakwenta kwentang bagay.. hihihi..

ANO ANG MERON SA BICOL ???
- meron itong bulkang mayon... nang tinanong ko ang isang kaklase kung ano ang gusto niyang pasalubong. tila natanga ata siya at sinabeng pasalubungan ko daw siya ng bulkang mayon... nasabihan ko tuloy siya ng tanga.
- meron ditong geothermal plants at hot springs. huwaw... ang sarap siguro maligo sa kumukulong tubig... sarap siguro ng feeling na naliligo duon habang nalalapnos ang balat mo.
- meron ding bicol express (na super anghang) at mga pagkaing specially made sa bicol...
- meron ding butanding... (whale) hahaha..
-BUTANDING? sabi ni ina, ito daw ay whale. unang beses ko lamang ito narinig at natawa ako ng bahagya. kasi ang tanga ko daw sabe ng nanay ko. 17 years old na ako at tila hindi ko pa alam kung ano ang butanding. hindi daw siya nagpanganak sa isang mangmang... hihihi...
meron kayang pink na butanding? at kung meron man, pwede ko kaya ito ipasalubong sa aking BFF?? (best friend forever)

Labels: ,


9:49 PM