image


Wednesday, April 25, 2007

bakit may mga taong akala nila ay gwapo-slash-maganda sila. up to the point na dahil sa oozing self-confidence nila, nakakalimutan nilang, IBA ang perception ng tao sa kanila...

still lost?

keep reading...

kanina, luluwas sana ako ng makati. may dentist appointment ako ng 2pm. ayos maaga pa naman. 12pm pa lang. sumakay ako ng bus at dahil medyo puno na, no choice ako kung hindi umupo sa tabi ng lalaking mukhang mid-20's ang edad pero mukang 69 ang itsura. at best of all, mukha siyang adeek. okay naman. medyo creepy nga lang ng...
ADEEK: miss, naiinitan ka ba? pare, tapat na natin dito sa miss yung aircon. mukhang naiinitan na eh.
AKO: ay.. naku hindi. ayos lang..
(after a few minutes)
ADEEK: so miss, madalas ka ba sa maynila? san ka ba nakatira? anong year mo na ba? hmmm... ano bang name mo? eh last name? anong religion mo? nagbabasa ka ba ng bible? may boyfriend ka na ba?
AKO: ha? ang dame mo namang tanong. nakakahiya ata sakin. well, may dentist appointment lang ako sa makati. nakatira? diyan lang. fresh grad ako ng highschool. uhmmm.. name ko?? (*nag-isip saglit*) ria... dela cruz (*magaling akong mag-imbento) roman catholic ako. di ako nagbabasa ng bible dahil wala akong time. at meron akong boyfriend.
ADEEK: ah.. okay. so madalas ka siguro sa makati? every week ba yung AFFOINTMENT mo sa dentist?
AKO: *smirks* (no comment habang pasimpleng kinukuha ang cellphone para tawagan ang 911 at ang aking mga friends..)
ADEEK: miss, pwede bang makuha yung number mo?
AKO: ah okay... eto number ko, 0916-123-MCDO... (tanga siya pag tinext niya yan..adeek) excuse me ha... nakakairita na eh. lilipat nalang ako ng upuan.


ewan ko kung nasobrahan siya ng dosage ng chongkee... pero nakakatuwa dahil may mga adik pa din pala dito sa mundo na hindi banned sa public places... nightmare yun... naawa lang ako sa sarili ko dahil kung alam ko lang na bobombahin niya ko ng ganung karaming tanong,

lumipat nalang sana ako ng upuan kanina pa...
nakalimutan ko ang pangalan niya eh... kaya icocode ko nalang siyang "MR. AFFOINTMENT"

Labels:


9:43 PM