okay... ngayon, mukhang on blog leave ako for 1 week... hmm.. trip to bicol bukas... bonding ito kasama ang aking ina... hahaha.. kaming 2 lang ang sasama kasi habang ang aking ate ay nagtatapos pa ng thesis niya... hihihi. buti nga.. *tamad kasi...
at ngayon, medyo binubuhay ko ang aking naghihinalong blog... hindi ko kasi alam kung anong maisusulat kaya magsasabe nanaman ako ng mga walang kakwenta kwentang bagay.. hihihi..
ANO ANG MERON SA BICOL ???
- meron itong bulkang mayon... nang tinanong ko ang isang kaklase kung ano ang gusto niyang pasalubong. tila natanga ata siya at sinabeng pasalubungan ko daw siya ng bulkang mayon... nasabihan ko tuloy siya ng tanga.
- meron ditong geothermal plants at hot springs. huwaw... ang sarap siguro maligo sa kumukulong tubig... sarap siguro ng feeling na naliligo duon habang nalalapnos ang balat mo.
- meron ding bicol express (na super anghang) at mga pagkaing specially made sa bicol... 
- meron ding butanding... (whale) hahaha.. 
 
-BUTANDING? sabi ni ina, ito daw ay whale. unang beses ko lamang ito narinig at natawa ako ng bahagya. kasi ang tanga ko daw sabe ng nanay ko. 17 years old na ako at tila hindi ko pa alam kung ano ang butanding. hindi daw siya nagpanganak sa isang mangmang... hihihi...
 
meron kayang pink na butanding? at kung meron man, pwede ko kaya ito ipasalubong sa aking BFF?? (best friend forever) 
Labels: basura, kwentong barbero
9:49 PM