image


Sunday, May 20, 2007


actual group message from aya:

r0se an: t0L, wg k mgala2,mkKhnap k ng ta0ng pra sau,hehe...

reaction:
gago talaga si aya... birthday na birthday niya kahapon... puro kadramahan at lab lyp ang pinag uusapan namin. na kesyo mas masaya daw maging single at kung ano ano pang basura na alam naman naming pinagpipilitan naming paniwalaan... at take note: GM yan... kaya nilabas niya ang kahihiyan ko sa buong batch namin... hahaha... ayos lang.. *apir 'tol*

ngayon... okay naman. kalma lang. sa ngayon. lalo na't nagpromise si aya na magpapainom... (debut niya. may rason para makipag socialize... ) sabe ko, ihanda na niya yung 2 case ng beer... dahil lalaklakin namin yun... magpapaluto na din ako ng laing sa kanyang momma.. (you see, instant vegetarian na ko...)

... nagtataka ako...

totoo ba na kapag God close doors, He opens windows?

** kill all boys who made false promises...








5:13 AM

Monday, May 14, 2007

isang belated HAPPY MOTHER'S DAY sa aking mommy... at sa lahat ng bloggers na bumati sakin. (kahit late na) medyo busy-slash-tinatamad akong gumawa ng post dahil ang sarap tumanga sa harap ng computer at gumawa ng wala.

dahil nga MOTHER'S DAY kahapon, nagplano na ang aming family na magswimming sa tagaytay (???) at mag dinner na rin sa labas. pagkatapos ng dinner, dahil sa takot na baka ma impatso, dumaan kami sa nearest kapihan (unfortunately, STARBUCKS)
please note: ang awtor/manunulat/blogger ay hindi AGAINST sa starbucks kung hindi sa mga uber conyotic peepz na "tumatambay" dito.
THE STARBUCKS HYPE
hindi ko alam kung bakit ayokong ayokong nagkakape sa starbucks. oo, mahilig ako sa kape. pero umiinom ako ng kahit na anong brand na ito (sa kahit anong coffee shop) EXCEPT starbucks.

katulad na lamang ng isa sa mga madalang na pagbisita ko sa starbucks kahapon, uber PUNO ang ground at 2nd floor ng kapihan. at ng tumingin kame sa paligid, halos ubos na naman ang kape ng mga starbucks peepz na ito. sa aking palagay, 3 oras na sila nakaupo sa kinauupuan nila. masyado kasing komportable... i mean, why sit there for 3 hours kung isang baso lang naman ng kape ang oorderin at lalaklakin mo????

so okay, one cup of coffee costs about 100php in starbucks. okay. pero IS THAT ENOUGH REASON PARA HUMILATA SILA DOON NG 3 HOURS, NOT MINDING THE "OTHER" CUSTOMERS NA WALANG MAUPUAN?

i mean? jeez... what's the hype? ang starbucks ay kapihan. period. not a typical conyotic hang-out place kung saan kahit saan ka nakaupo ay may mga nagfaflaunt ng kanilang "uber cool" phones.

hindi ako against sa starbucks. ayoko lang talaga ng mga super sosyal na kapihan... hihihi... dahil no matter how much you paid for it and no matter how much you love coffee (as much as i love it too) ang kape ay kape... PERIOD.




Labels: ,


9:41 AM

Wednesday, May 9, 2007

habang nagpapahinga ako dahil sa uber pagod na paglalakad mula taft hanggang gil puyat... (naniniwala ba kayong nilakad ko 'to?) uber cautious pa... dahil ayokong masabihang "TAN-G.A." ng nanay ko kapag nawalan ako ng cellphone.... napadpad ako sa may LRT ... kaya naisipan ko nalang sumakay para di mapagod...

bumili ako ng diyaryo para hindi mabored... tutal... di naman siguro ako maiisnatchan kapag nagbasa ako ng diyaryo???

puro crap na pala ang pwedeng basahin sa diyaryo? sa isang dyaryo (obviously tabloid ito)...
1. may balita tungkol sa side ni ruffa sa hiwalayan nila ni yilmaz.
2. may advice section tungkol sa pagpili ng tamang pet names ng mga magnobyo
3. may mga advertisements ng politiko katulad ni pichay... (totoo bang tutupad daw siya ng mga pangarap?) ni angara (na LSS ako sa jingle niya na kinanta ni sarah geronimo) at ni roco (with matching special appearance ni raul roco...)
4. may mga balita tungkol sa multong nagligtas sa isang doughnut shop sa Kansas.
DEAR MHO,
November 9 po ang aking birthday, kailan po kaya ako magkakaroon ng girlfriend?
codename: Scorpio boy ng 91061828**

SAGOT:
Ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2008 hanggang 2009, magkakagirlfriend ka na!
ang tanong ng bayan??? SINO SI MHO!?!??!?

Labels:


8:27 PM

Sunday, May 6, 2007

BG song: Boys will be boys -- Panic! at the Disco
Multi-tasking with: x o
Currently missing: x

SETTING: office ni mommy sa salcedo village, makati, si tita ay naglalakad papasok sa building... nang magtanong siya sa guard..
CHARACTERS: mommy, ate irene and tita ysa (kapatid ni momma)
TITA YSA: (naglalakad papunta sa building ni mommy ng magtanong sa guard) uhmmm.. excuse me, uhmm... guard, bumaba na ba diyan si Ms. Violy? *pangalan ni mommy dear
MANONG GUARD: uhh... opo. kayo po ba yung ANAK niya?
TITA YSA: naku, hindi... *evil smirks* eh. manong, may kasama po ba siya? san po kaya nagpunta?
MANONG GUARD: ah opo ma'am. kasama po niya yung TIYAHIN niyo... sa 7'11 po ata nagpunta
TITA YSA: *burst out laughing*

ang saya kamo nang storya... hahaha.. imagine.. ang aking dear sister?? napagkamalang TIYAHIN ng aking TITA... enthusiastic na enthusiastic pa siyang ikinukwento ito... at ako, hindi ko alam na joke ito. kaya nung binitawan niya yung punchline, nabuga ko yung kanin na nginunguya ko... *nakakadiri pero totoo* and worse, napagkamalan pa siyang ANAK ng mommy ko... hahaha... di naman mukhang matanda si mommy... hihihi

Labels:


6:53 PM

Saturday, May 5, 2007

BG song: i could not ask for more -- edwin mccain
Multi-tasking with: x
Currently missing: x

hmmm.. boring saturday morning and i'm coming down with a cough *ubo* *ubo* ... i mean. di ba uso ang ubo tuwing rainy season??? bakit kaya ako inuubo??? hindi kaya sa dami ng chocolate na nilalaklak ko nung isang araw? oh dahil may TB na ko (a.k.a. tuberculosis)

okay. basura post ahead dahil may sakit ako at hindi nagfoflow ang creativity sa aking katawan ngayon.

masyado akong busy sa pag bubusisi ng aking friendster, tagged at myspace profile na pwede na kong mabansagang "friendster-slash-tagged-slash-myspace wh*re" (a.k.a. katulad ng mga camera wh*re na walang ginawa kung hindi magkukuha ng picture nila. kahit sa public place. *guilty smirk*)

sa sobrang bored ko, kahit adobe photoshop willing akong itry...

*sigh*

mamaya, kahit na "may sakit" ako, kakaladkarin daw ako ng ina ko sa dentista. for someone na dental med ang course (ako yun), at the age of 17, may fear of dentists pa din ako...

Labels: ,


8:20 AM

Thursday, May 3, 2007

BG song: 7 black roses -- chicosci
Multi-tasking with: x o
Currently missing: x

hahaha.. i knew that getting into a relationship was much more complicated... (english post.. naiimpress ka ba?) naiinis-slash-nababadtrip-slash-naiimbyerna ako.. hihihi.. (Wow.. lahat na ata ng negative emotions noh?)

well, nawalan SIYA ng phone ... hindi ko alam ang details. pero dahil dyan, wala na kong katext sa smart. hmmm... nakakamiss kaya. wala ng tumatawag sakin ng BILOG sa umaga. hmmm... ni YM nga di siya nagpaparamdam eeh... kaya bukas, mag globe na ko... sh*t...

THINGS-TO-DO PARA DI SIYA MAISIP...

1. basahin ang buong Chronicles of Narnia Series

2. mag dvd marathon mula 7am hanggang 7pm

3. kumain ng chocolates. (kelangang imonitor ng konti kasi, ayokong tumaba)

4. matuto ng adobe photoshop (okay... mag explore nalang)

5. mag internet at maglaro ng RPG games ... (wtf does RPG means??hehehe.. )


para hindi naman kayo mabagot sa post na 'to... panoorin niyong magmukhang tanga si CLAUDINE BARRETO on national television... hahaha...

P.S.
with apologies sa mga die-hard Claudine Barreto Fans...

Labels:


6:03 PM

Tuesday, May 1, 2007

hmmm... kanina, pagkatapos naming mapanood ang spiderman3 (wag mag-alala hindi ito spoiler) bwahahaha... so ayon, kakatapos lang ng spiderman3 ng inaya ako ng ina ko na pumunta sa UP-manila (ang aking future school) ...

napagkasunduan na namin dati na hindi ako magdodorm. na sa unang sem ay magcocommute muna ako tutal hatid sundo niya naman ako... at isang sakay lang sa LRT yun.. (ooh... adventure.. makikipag agawan ako ng bag sa mga snatcher... )

at iyon na nga... dinala niya ako sa isang kumbento-slash-dormitory na puro all girls... nakita ko ang ambience. maganda, mukhang hindi maingay, malawak yung refectory(a.k.a. dining area, mukhang mababait ang mga magiging future dormmates ko kung sakali) at okay naman ang presyo... natuwa pa nga ako dahil obvious na mahal na mahal ako ng ina ko.. sa AIRCON ROOM (*buga ng hangin*) ako ilalagay... kaya nag fefeeling prinsesa nanaman ako.. bwahahaha...

so.. sa kotse pinag-isip na niya ko... the big question is:

TO DORM OR NOT TO DORM???


kaya't naglagay na naman ako ng pros and cons dahil wala lang...
PROS
1. magiging independent ako for a change...
2. matuto akong gumalaw ng walang yaya sa likod...
3. hindi ko na kailangan pagurin ang sarili ko ARAW-ARAW para magcommute mula LRT hanggang UP-manila
4. hindi ako mapapagod sa byahe
5. madre ang nagpapatakbo ng dorm at may curfew... (TRANSLATION: di ako pwedeng gumawa ng katarantaduhan)
6. may kasamang pagkain ang package... mukhang masarap.

CONS
1. magiging independent ako for a change (ayoko na gusto kong mapalayo sa kanila)
2. wala akong mauutusan magluto sakin pag nagugutom ako ng 1am... (believe it or believe it)
3. madre ang nagpapatakbo ng dorm at may curfew... (TRANSLATION: di ako pwedeng gumawa ng katarantaduhan)
4. mamimiss ko ang aking mommy...at si byron (yung aso ko...)
5. mamimiss ko ang aking buong family...
6. malulungkot ang aking lolo at lola dahil wala na silang papagalitan
7. hindi ko na matitikman ang masarap na luto ng lola ko...

... yun pa din ang tanong...

TO DORM or NOT TO DORM???

*napapansin ko lang na tila ata complicated ang binigay kong rason... hmmm???

Labels:


8:01 PM