image


Monday, May 14, 2007

isang belated HAPPY MOTHER'S DAY sa aking mommy... at sa lahat ng bloggers na bumati sakin. (kahit late na) medyo busy-slash-tinatamad akong gumawa ng post dahil ang sarap tumanga sa harap ng computer at gumawa ng wala.

dahil nga MOTHER'S DAY kahapon, nagplano na ang aming family na magswimming sa tagaytay (???) at mag dinner na rin sa labas. pagkatapos ng dinner, dahil sa takot na baka ma impatso, dumaan kami sa nearest kapihan (unfortunately, STARBUCKS)
please note: ang awtor/manunulat/blogger ay hindi AGAINST sa starbucks kung hindi sa mga uber conyotic peepz na "tumatambay" dito.
THE STARBUCKS HYPE
hindi ko alam kung bakit ayokong ayokong nagkakape sa starbucks. oo, mahilig ako sa kape. pero umiinom ako ng kahit na anong brand na ito (sa kahit anong coffee shop) EXCEPT starbucks.

katulad na lamang ng isa sa mga madalang na pagbisita ko sa starbucks kahapon, uber PUNO ang ground at 2nd floor ng kapihan. at ng tumingin kame sa paligid, halos ubos na naman ang kape ng mga starbucks peepz na ito. sa aking palagay, 3 oras na sila nakaupo sa kinauupuan nila. masyado kasing komportable... i mean, why sit there for 3 hours kung isang baso lang naman ng kape ang oorderin at lalaklakin mo????

so okay, one cup of coffee costs about 100php in starbucks. okay. pero IS THAT ENOUGH REASON PARA HUMILATA SILA DOON NG 3 HOURS, NOT MINDING THE "OTHER" CUSTOMERS NA WALANG MAUPUAN?

i mean? jeez... what's the hype? ang starbucks ay kapihan. period. not a typical conyotic hang-out place kung saan kahit saan ka nakaupo ay may mga nagfaflaunt ng kanilang "uber cool" phones.

hindi ako against sa starbucks. ayoko lang talaga ng mga super sosyal na kapihan... hihihi... dahil no matter how much you paid for it and no matter how much you love coffee (as much as i love it too) ang kape ay kape... PERIOD.




Labels: ,


9:41 AM