image


Wednesday, May 9, 2007

habang nagpapahinga ako dahil sa uber pagod na paglalakad mula taft hanggang gil puyat... (naniniwala ba kayong nilakad ko 'to?) uber cautious pa... dahil ayokong masabihang "TAN-G.A." ng nanay ko kapag nawalan ako ng cellphone.... napadpad ako sa may LRT ... kaya naisipan ko nalang sumakay para di mapagod...

bumili ako ng diyaryo para hindi mabored... tutal... di naman siguro ako maiisnatchan kapag nagbasa ako ng diyaryo???

puro crap na pala ang pwedeng basahin sa diyaryo? sa isang dyaryo (obviously tabloid ito)...
1. may balita tungkol sa side ni ruffa sa hiwalayan nila ni yilmaz.
2. may advice section tungkol sa pagpili ng tamang pet names ng mga magnobyo
3. may mga advertisements ng politiko katulad ni pichay... (totoo bang tutupad daw siya ng mga pangarap?) ni angara (na LSS ako sa jingle niya na kinanta ni sarah geronimo) at ni roco (with matching special appearance ni raul roco...)
4. may mga balita tungkol sa multong nagligtas sa isang doughnut shop sa Kansas.
DEAR MHO,
November 9 po ang aking birthday, kailan po kaya ako magkakaroon ng girlfriend?
codename: Scorpio boy ng 91061828**

SAGOT:
Ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2008 hanggang 2009, magkakagirlfriend ka na!
ang tanong ng bayan??? SINO SI MHO!?!??!?

Labels:


8:27 PM