saturday, boredom strikes again
doodle dito, doodle duon. nakakamiss at nakakatuwa na naman kasi just like the old days, eto nanaman ako at nagboblog ng kahit anong matripan ko. hmmm.... kahit alang masyadong nakakaalam na ako'y nagbalik na, masaya kasi walang makakaalam ng kung anong takbo ng utak ko
ilang araw nalang at birthday na niya... kahit ang countdown ay last 2weeks to go, nakakapressure dahil kasabay ng birthday niya na august5, ay isa pang selebrasyon sa august6... kaya parang kelangan maging uber ultimate best gift ang mabigay ko. yun nga lang ang problema. i suck at giving gifts.
ako na ata ang pinaka unimaginative na tagabigay ng regalo. one reason ay dahil hindi ko naman alam ang gusto niya. kahit mababaw lang siyang patawanin, siyempre, gusto kong maging uber special yung bibigay kong gift.
at dahil nga i suck at giving gifts, eto ang recent conversation na naganap between me and a friend na itago natin sa pangalang
ADOBO BURGERAKO: ano kaya magandang ibigay na birthday gift sa boy? ang hirap naman kasing magregalo... hmpf...
SIYA: hindi ko alam eh
AKO: di nga? kasi lalaki ka naman. siguradong kahit pano may alam kang gift na gusto mo matanggap if ever diba?
SIYA: alam ko na, dapat pag binigyan mo ng gift bukal sa puso
AKO: oo nga. siyempre. pero anong gift?
SIYA: yun bang pag binigay mo, galing sa puso mo?
AKO: haller. obvious ba.??? pero can you be more specific? kung ano magandang gift
SIYA: yun ngang galing sa puso. *
*repeat till fade
hindi ko alam kung mabibwisit ako o matutuwa. dahil hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano ang "galing sa puso" na sinasabe niya... isa lang ang masasabi ko
"WHATEVER" [italics]
12:32 PM